Sinabi ni Cayetano na posibleng sa muling pagbabalik ng sesyon pagkatapos ng Holy Week Break o sa Mayo pa masisimulang tala­kayin sa House Committee on Legislative Franchises ang prangkisa ng giant broadcast network.
Boy Santos
Franchise bill ng ABS-CBN ‘di urgent - Kamara
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi na kakayaning dinggin pa ng Kamara ang panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN bago ito mag-expire sa March 30, 2020. 

Sinabi ni Cayetano na posibleng sa muling pagbabalik ng sesyon pagkatapos ng Holy Week Break o sa Mayo pa masisimulang tala­kayin sa House Committee on Legislative Franchises ang prangkisa ng giant broadcast network. 

Ito ay dahil mas  ma­rami umanong urgent issue na kailangang unahin ng Kamara tulad na lamang ng supplemental budget at rehab plan sa Taal Volcano eruption at ang banta ng COVID-19.

Subalit paglilinaw ng Speaker, hindi ito na­ngangahulugan na hindi nila pinahahalagahan ang nasa 11,000 emple­yado na posibleng maapektuhan ng pagsasara ng kumpanya.

Bilang patunay umano ay maaari pa rin naman kasing magpatuloy ng operasyon ang media network hanggang 2022 habang nakabinbin pa ang panukala para sa kanilang franchise.

Habang wala pang pagdinig na ginagawa ay hinikayat ni Cayetano ang mga pabor at tutol na magpalamig muna ng ulo sa usaping ito. 

Dahil kung ipipilit umano ng komite ang hearing ay sigurado na magtatagal ito sa pag­lalahad pa lamang ng punto ng magkabilang panig.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with