Trump bigong ma-impeach
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bigo ang mga nais magpatalsik kay US President Donald Trump matapos itong hindi ma-impeach sa pagtatapos ng trial kahapon.

Umabot sa 52 US sena­tors na kasapi ng Republicans ang bumoto ng “not guilty” si Trump samantalang 48 ang “guilty” para sa akusasyon na pag-abuso sa kapangyarihan. Para naman sa akusasyon na “obstruction of Congress” nanaig ang botong 53-47 pabor kay Trump.

Nag-ugat ang impeachment laban kay Trump dahil sa ginawang pagtawag nito sa pangulo ng Ukraine upang ipaimbestiga si da­ting US Vice President Joe Biden na posibleng maging kalaban niyo sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Nobyembre.

Inaasahang muling tatakbo sa pagka-pangulo si Trump matapos malusutan ang dalawang impeachment charges laban sa kanya.

Si Trump ang ikatlong US President na naharap sa impeachment trial sa kasaysayan ng Amerika. Ang una ay si Andrew Johnson noong mid-19th century at ang ikalawa ay si Bill Clinton dalawang dekada na ang nakakaraan.

 

 

TRUMP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with