Simbahan ni Quiboloy ni-raid ng FBI
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang simbahan ni Pastor Apollo Quiboloy na Kingdom of Jesus Christ, sa Los Angeles, California.

Ginawa ang raid nitong Miyerkules dahil umano sa sumbong na may immigration fraud at fake marriages kung saan naaresto ang tatlong lider ng simbahan.

Ayon sa mga imbes­tigador, nakapagdokumento sila ng 82 fake marriages sa loob ng da­lawang dekada.

Ilang dating nagtatrabaho para sa simbahan ang tumakas umano at nagsumbong sa FBI ukol sa pamimilit umano sa kanilang mag-solicit ng donasyon sa iba’t-ibang panig ng Amerika.

Iginagalang naman ng Malacañang ang ginawang raid ng FBI sa simbahan ni Quiboloy.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi maaring magreklamo ang Pilipinas lalo na kung lehitimo ang raid sa simbahan. Kung mapatutunayan na nagkasala ang tatlo ay dapat lamang na sumunod ang mga ito sa batas.

Si Quiboloy ay kila­lang matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

FBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with