^

Bansa

Menu ng sex services patok sa POGO

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Menu ng sex services patok sa POGO
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig kahapon ng Senado, kalimitang ginagamit na prostitution dens ang mga massage at spa facilities.

MANILA, Philippines – Parang pagkain sa mga restaurants na inila­lako ang sexual services ng mga Chinese prostitutes dito sa Pilipinas kung saan karamihan sa mga kliyente ay mga nagta-trabaho sa mga Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO).

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig kahapon ng Senado, kalimitang ginagamit na prostitution dens ang mga massage at spa facilities.

Naoorder ang serbisyo ng mga babae sa pamamagitan ng messaging apps na Telegram at WeChat.

“May menu, may pres­yo, then darating na lang sa hotel o condo mo,” sabi ni Hontiveros.

Ang halaga ng se­xual service ay umaabot ng P13,000 hanggang P16,000 para sa isa’t kalahating oras na serbisyo o P30,000 para sa buong gabing serbisyo.

Ayon pa kay Hontiveros, may code rin ang mga babaeng ibinubugaw sa Chinese app na WeChat kung saan ang ibig sabihin ng “new tea” ay babae samantalang ang “fast food” ay ‘quickie sex’

Tumestigo sa pagdinig ang isang 15-taong gulang na sex worker na nagbigay ng testimonya sa pamamagitan ng webcam upang maprotektahan at hindi makilala. Pinagsuot din siya ng hoodie, face mask at sunglasses.

Ayon sa testigo na si “Karina”, na-recruit siya noong nakaraang Agosto para magmasahe sa mga Chinese nationals pero nagbibigay din siya ng “extra service.”

Umaabot sa P3,000-P7,000 ang bayad sa kanya sa pakikipagtalik pero kalahati lang ang napupunta sa kanya.

Kinumpirma naman ng National Bureau ofInvestigation (NBI) na dumami ang mga prostitution dens sa bansa dahil sa POGO.

“As far as NBI is concern, normally, ang ini-intertain kasi, you can book through the internet. Hindi ka pupunta ng direkta (sa prostitution den), dapat online,” pahayag ni NBI Deputy Director for Special Investigation Services Vicente de Guzman.

Nilinaw din ni de Guzman na base sa kanilang impormasyon, itinayo ang mga prostitution dens hindi para sa mga employee ng POGO kundi para sa kanilang mga Chinese customers.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with