^

Bansa

Iwasang kumain ng ‘kilawin’ - DOH

Doris Franche, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Iwasang kumain ng �kilawin� - DOH
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, dapat na umiwas ang publiko sa pagkain ng karne ng aso, pusa, daga, ahas at bayawak.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan muna hangga’t maaari ang pagkain ng ‘kilawin’ at exotic foods sa gitna na rin ng banta ng novel-coronavirus.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, dapat na umiwas ang publiko sa pagkain ng karne ng aso, pusa, daga, ahas at bayawak.

Sakaling hindi maiwasan tulad sa probinsya, tiyaking lutung-luto ang mga karne bago kainin dahil namamatay sa matinding init ang coronavirus. 

“Yung mga ahas, ‘yung mga bayawak, ‘yun pong mga lizards, ‘yan mga ‘yan kinakain. Ginagawang adobo. Masarap, nakatikim na ako pero lutong-luto,” ani Duque.

Isa pa aniyang dapat muna ihinto ay ang pagkain ng ‘raw meat’ dahil posibleng makakuha ng sakit mula rito.

Ipinaliwanag ni Sec. Duque, maraming sakit ang nagsimula sa mga hayop na nasasalin lang sa tao o zoonotic transmission tulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), human immunodeficiency virus (HIV), acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), African swine fever (ASF), at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Ang novel-coronavirus o 2019-nCoV na nagsimula sa Wuhan, China ay sinasabing dahil sa pagkain umano ng paniki.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with