^

Bansa

Beso-beso, shake hands bawal muna

Doris Franche, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiiwas muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbebeso-beso at shake hands sa gitna na rin ng paglaganap ng novel coronavirus.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mas makabubuti ang fist bump o finger to finger na batian na lamang gaya nang mga itinuturo sa mga sanggol na align na daliri.

Pero ayon kay Duque, pinakamabisa ang pag­kaway na lamang na senyales ng “Hello”.

Hinihimok din ni Duque ang publiko na palagiang maghugas ng kamay.

Payo pa ni Duque sa publiko na takpan ang bibig kapag umuubo. Kung umuubo o nababahing at walang dalang panyo, payo ni Duque, gamitin ang harapan ng siko at huwag ang palad.

Dapat din aniyang umiwas sa mga taong may ubo, sipon, lagnat o iba pang sintomas na nagpapakita ng kahalintulad ng novel coronavirus.

Dapat ding uminom ng maraming tubig at panati­ling basa ang lalamunan para makaiwas sa iba’t ibang uri ng virus.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with