Bagama’t nabasa na niya ang report, ka­ilangan pa niyang kumpirmahin sa Solicitor General kung ang planong paghahain ng petisyon para bawiin ang prangkisa ng TV network ay binabalangkas pa o nagawa na.
STAR/File
Quo warranto ni Calida vs ABS-CBN walang basbas ni Duterte - Palasyo
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala umanong basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Solicitor General Jose Calida na maghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa ‘validity’ ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na ang binitiwang pahayag ni Calida ay personal dahil tungkulin niya ito bilang pinuno ng nasabing tanggapan.

Bagama’t nabasa na niya ang report, ka­ilangan pa niyang kumpirmahin sa Solicitor General kung ang planong paghahain ng petisyon para bawiin ang prangkisa ng TV network ay binabalangkas pa o nagawa na. 

Idinagdag ni Panelo na ang aksiyon ng OSG ay walang kinalaman sa naunang pahayag ni Duterte na dapat nang ibenta ang ABS-CBN dahil walang plano ang Chief Executive na i-renew ang prangkisa nito.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Me­nar­do Guevara na hindi natata­lakay sa Cabinet meeting ang quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Ayon kay Guevarra, ang legislative franchise ng TV network ay pahap­yaw lang na tinalakay, ilang buwan na ang nakalilipas.

Magugunitang mainit ang Pangulo sa ABS-CBN dahil hindi ipinalabas ang kanyang political ads noong panahon ng kampanya kahit na nakapagbayad na siya, at sa halip ay mas pinaboran ang political ads ng kanyang kritiko na si dating senador Antonio Trillanes IV.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with