^

Bansa

Lindol sa Taal tumitindi, dumarami

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palatandaan umano ng napipintong pagsabog ang patuloy na mga paglindol at matinding seismic activity sa Bulkang Taal.

“Such intense seismic activity likely signifies continuous magmatic intrusion beneath the Taal edifice, which may lead to further eruptive acti­vity,” ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum kahapon.

Mula nang mangyari ang phreatic (steam-dri­ven) eruption ng bulkang Taal noong nakaraang Linggo,  may kabuuan nang 666 volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Seismic Network, 174 nito ang naram­daman sa magnitudes 1.5 to 4.1. at ranging mula Intensity I (scarcely perceptible) hanggang Intensity V (strong).

Mula alas-5:00 ng madaling-araw kahapon hanggang kamakalawa, nagkaroon ng 32 volcanic earthquakes na may magnitude na 1.5 to 3.3.

Nakapagtala na rin ang Taal Volcano Network ng 876 volcanic earthquakes kabilang ang six tremor events and 20 low-frequency earthquakes.

Bukod dito, may mga nakikita pa ring usok sa crater at paminsan-minsang pagbuga ng abo.

Umabot ang taas ng ash plumes mula 50 hanggang 600 metro ang taas at patungo ito sa southwest ng main crater.

“Alert Level 4 still remains in effect over Taal Volcano. This means that hazardous explosive eruption is possible within hours to days,” pahayag ng Phivolcs.

Muli ring iginiit ni Solidum na hindi pa maibababa ang alert level, sa kabila ng pagbaba ng volcanic activity ng Taal, kumpara noong araw na ito ay nagkaroon ng pagputok.

Para sa opisyal, total evacuation pa rin ang dapat na ipatupad hangga’t hindi nagiging kalmado ang sitwasyon ng bulkan.

“PHIVOLCS strongly reiterates total evacuation of Taal Volcano Island and high-risk areas as identified in the hazard maps within the 14-km radius from Taal Main Crater and along the Pansipit River Valley where fissuring has been observed. Residents around Taal Volcano are advised to guard against the effects of heavy and prolonged ashfall,” pahayag pa ng Phivolcs sa kanilang abiso.

Sabi pa ng Phivolcs, dapat payuhan ng mga civil aviation authorities ang mga piloto na iwasan ang mga himpapawirin sa paligid ng bulkan dahil peligroso sa eroplano ang airborne ash at ballistic fragments mula sa eruption column.

Gayunman, nilinaw ni Solidum na batay sa Standard Operating Procedure (SOP) ng ahensiya ay may dalawang linggong pagmomonitor ang itinatalaga sa bulkan para malaman kung huhupa na ito o wala nang magaganap pang pagsabog sa mga susunod na araw.

vuukle comment

BULKANG TAAL

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with