Cavite nagdeklara ng state of calamity

MANILA, Philippines – Nagdeklara na rin kahapon ng state of calamity ang lalawigan ng Cavite bunga ng matinding epek­to ng pagputok ng Taal volcano.

Kinumpirma ito ni Ca­vite Governor Juanito Victor Remulla upang matugunan ang panga­ngailangan ng nasa 15,000 evacuees ga­ling Batangas na pansa­mantalang kinukupkop sa kanilang lalawigan.

Una nang nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Batangas kung saan libu-libong evacuees ang nagsilikas sa kanilang mga tahanan.

Sinabi ni Remulla na nasa 8 barangay sa Tagaytay City ang saklaw ng 8-km radius danger zone.

Inihayag ng opisyal na nasa P15 M ang kanilang inilaang pondo para sa pangangailangan ng mga bakwit.?

Bukod sa mga evacuation centers maging ang mga kabahayan ng mga kamag-anak ng mga bakwit sa Cavite ay pinuntahan ng mga ito para pansamantalang makituloy.

 

Show comments