2 estudyante na naghatid ng relief goods patay sa bundol

Ayon sa report, pauwi na sina Rio John Abel at Maximino Alcantara III nang mabangga ng malaking truck ang sinasakyan ng dalawang binatilyo habang pauwi na sana matapos maghatid ng relief goods.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang estudyante ng De La Salle-Lipa ang nasawi sa car accident matapos maghatid ng tulong sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon sa report, pauwi na sina Rio John Abel at Maximino Alcantara III nang mabangga ng malaking truck ang sinasakyan ng dalawang binatilyo habang pauwi na sana matapos maghatid ng relief goods.

Dis-oras na umano ng gabi ng maisipan ng mga biktima na maghatid ng tulong kaysa manatili sa kanilang bahay na walang ginagawa.

Naganap ang aksidente nitong Lunes, January 13, sa Banay-banay, Lipa, Batangas.

Nakatawag pa umano si Rio Jhon sa pamilya at humingi ng tulong bago tuluyang bawian ng buhay.

Umani ng mga papuri si Rio at Alcantara dahil sa kabutihang loob na tumulong sa mga nanga­nga­ilangan.

Show comments