Kaso vs Duterte sa ICC inurong ng abogado
(Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Iniatras na ng abogadong si Atty. Jude Sabio sa International Criminal Court ang isinampa niya ritong crime against humanity laban kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Isinampa ni Sabio ang naturang reklamo sa korte sa Hague, The Netherlands laban sa Pangulo.

Pero sinabi ni Sabio na lumagda at pinanum­paan niya ang isang affidavit at pahayag na nagsasaad na hindi niya inaaprubahan ang mga ginawa nina dating Senador Antonio Trillanes at iba pang oposisyong personalidad na naglalayong siraan ang kara­ngalan ni Duterte.

Nagpahayag din si Sabio ng kahandaang tumestigo laban kay Trillanes sa kinakaharap nitong kasong sedition.

Si Sabio ang abogado ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato na naunang isinangkot si Duterte sa umano’y Davao Death Squad at sinasabing ang Pangulo ang responsable sa mga umano’y extrajudicial killings sa Davao City.

Pormal na umalis ang Pilipinas sa ICC noong 2018 makaraang magsagawa ang permanent war crimes tribunal ng preliminary examination laban sa umano’y mga abuso sa drug war ni Duterte.

 

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with