Sa maya't mayang pagbanggit nito, marami ang nagtatanong: Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga 'yan?
AFP/Ted Aljibe
'Ano daw?': Volcano alert levels ng Bulkang Taal ipinaliwanag
James Relativo (Philstar.com) - January 13, 2020 - 1:12pm

MANILA, Philippines — Kasalukuyang nasa "Alert Level No. 4" ang sitwasyon ngayon kaugnay ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Pero sa maya't mayang pagbanggit nito, marami ang nagtatanong: Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga 'yan?

Ang alert levels ay hinati mula 1 hanggang 5, na may iba't ibang pamantayan at pakahulugan.

Iba't iba pa ang  "criteria" at interpretasyon na ibinigay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa mga bulkang Bulusan, Hibok-Hibok, Kanlaon, Mayon, Taal at Pinatubo.

Narito ang iba't ibang alert signals para sa Bulkang Taal:

Alert Level 1 — Kapag ganito, may mahihina at kaonting pag-lindol sa isang lugar (low level seismicity), paglabas ng usok at gases sa bunganga ng bulkan (fumarolic) at iba pang mga aktibidad.

Maaring magmatic, tectonic o hydrothermal disturbance ito ngunit wala pa namang nakikitang mangyayaring pagputok.

Alert Level 2 — Oras na ito na ang lebel, maaaring may mabababa hanggang kamtatamang lakas o dami na ng pagyanig — patuloy ito ngunit hindi nararamdaman. Maitatala din ang ilang "deformations" sa lupa.

"[May] pagtaas ng tubig at/o 'ground probe hole temperatures,' maliban sa pagbula ng lawa ng bunganga [ng bulkan]," sabi pa ng Phivolcs sa Inggles.

Dalawa ang ibig sabihin kapag ito na ang antas sabi ng state volcanology bureau:

  • maaaring may magmatic instrusion at dumulo sa pagsabog
  • kung humupa ito, posibleng bumaba ito sa Alert Level 1

Alert Level 3 — Medyo tumitindi na ang pag-aalboroto ng Taal kapag pumasok na ito, kasama ang pagdalas ng low frequency na mga lindol at/o "harmonic tremor." Ilan sa mga 'yan ay mararamdaman na.

"Biglaan o papataas na pagbabago sa temperatura, pagbula, pagbubuga ng radon gas at pH level ng lawa ng bunganga," sabi pa ng Phivolcs.

Sinusukat ng pH kung gaano ka-acidic o gaano ka-basic ang tubig. Maaari ring sabayan ng mga pagbiyak ng lupa ang mga dalas ng lindol sa lugar dulot ng aktibidad ng bulkan.

Dalawa ang maaaring mangyari kapag level 3 na:

  • maaaring dumulo sa "hazardous erruption" sa loob ng ilang araw o linggo kung tumitindi ang aktibidad ng bulkan
  • kung humina ito, ibababa ang Taal sa level 2

Alert Level 4 — Matindi at hindi na panatag ang bulkan, habang patuloy ang mga "seismic swarm," kasama ang "harmonic tremor" at o "low frequency earthquake" na madalas na maramdaman.

Ang harmonic tremor ay ang patuloy na paglabas ng seismic at infrasonic energy na madalas maiugnay sa paggalaw ng magma (tunaw na bato) sa ilalim ng lupa, atbp. Marami na ang inilalabas na usok sa mga luma at mga bagong bitak.

"Posible ang peligrosong pagsabog sa susunod na ilang araw [kapag ganyan na]," dagdag ng Phivolcs.

Alert Level 5 — Pagpasok ng antas na ito, mararanasan na ang mga pagbuga at paggapang ng tunaw na bato. Kasalukuyan nang nangyayari ang mapaminsalang pagsabong at malubhang delikado na sa mga komunidad kanluran ng bulkan.

"Ang worst case scenario po natin is prolonged eruption... pwede pong mag-wax, o lumakas, mag-eescalate into very explosive climactic phases," sabi ni Ma. Antonina Barnas, Volcano Monitoring and Eruption Preduction Division chief ng Phivolcs, sa isang press briefing kanina.

"Doon po nagkakaroon ng tinatawag po nating bases surges. Ito po ay isang uri ng pryoclastic density current na nililikha po ng either pag-collapse ng erruption column, o sa Taal po, 'yung phreatomagmatic base surges."

Tuwing malakas ang pagsabog gaya nito, lateral (o patagilid) na ang pagbato ng sabog. 

Inihalintulad ni Barnas ang base surge sa mga gumugulong na ulap sa ilalim ng papaakyat na usok na parang "singsing," na makikita raw sa pagsabog ng mga nuclear tests.

Isa ang Taal sa mga pinakaunang nakakitaan ng ganoong volcanic phenomenon. Kaya raw tumawid ng lawa ang base surges dahilan para maging high-risk ang mga malapit doon.

Patuloy na abangan mga updates patungkol sa pag-aalburoto ng Taal sa opisyal na Facebook, Twitter at website ng Phivolcs.

ALERT LEVEL EXPLAINER PHIVOLCS TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with