Litrato ng sumukong NPA hindi ‘dinoktor’ – Panelo

MANILA, Philippines — Nilinaw ni  Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na hindi ‘dinoktor’ ang litrato ng mga sumukong rebelde sa Masbate bagkus ay pinag-isa lamang (collage) ang 2 larawan.

Ayon kay Sec. Panelo, ito ang paliwanag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa kontrobersyal na litrato

“Hindi naman minanipulate. Kinollage, pinagsama yung dalawang picture,” paliwanag ng Army kay Lorenzana.

“The two (photos) were combined. That’s not manipulation,” sabi pa ni Panelo.

Lumitaw na ‘manipulated’ ang litratong lumabas sa media ng mga rebel returnees sa Masbate nitong Disyembre 26.

Inako ni Maj. Ricky Aguilar ng Philippine Army ang pagkakamali at humingi ng sorry sa publiko.

Show comments