Ininspeksyon ni Gam­boa ang mga pab­rika, bodega, processing area at maging ang mga stall ng mga pagawaan ng paputok at pyrotechnic displays ng mga manufacturers at dealers nito sa Bocaue, Bulacan kahapon.
Omar Padilla
PNP nagbabala laban sa paputok
Joy Cantos, Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong araw bago  ang pagsalubong sa  taong 2020, nagbabala si PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa sa publiko laban sa paggamit ng iligal na paputok at pyrotechnic displays.

“Let me remind the manufacturers and sellers to strictly follow not to sell firecracker and pyrotechnic display to minors or those below 18 years of age,” babala ni Gamboa.

Ininspeksyon ni Gam­boa ang mga pab­rika, bodega, processing area at maging ang mga stall ng mga pagawaan ng paputok at pyrotechnic displays ng mga manufacturers at dealers nito sa Bocaue, Bulacan kahapon.

Ang Bocaue ang binansagang firecracking capital sa Pilipinas na dinarayo ng mga mami­mili ng paputok at pyrotechnic displays sa tuwing sasapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Kasama ni Gamboa sa nasabing inspeksiyon sina Central Luzon Police Regional Director P/Brig.Gen. Rhodel Sermonia at Bulacan Police Director P/Col. Emma Libunao na sinuyod ang lahat ng tindahan ng paputok sa nasabing lugar upang tiyakin na may mga kaukulang lisensya at permit ang mga ito upang magbenta ng mga paputok.

Kasabay ng nasabing inspeksiyon, inilubog din sa isang malaking drum na puno ng tubig ang mga nakumpiskang mga paputok sa ilang tindahan na walang lisensya.

Ayon kay Libunao, 24 lamang ang lisensyadong mga Pyrotechnic Manufacturer sa bayan ng Bocaue, hindi pa kasama dito ang mga bayan ng San Rafael, Baliwag, Sta. Maria at Angat.

Sinabi naman ni Lea Alapide, Pangulo ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association (PPMDA), na nasa 94 lamang ang mga lisensiyadong dealer ng mga paputok sa buong lalawigan ng Bulacan.

Naglabas naman si Gamboa ng talaan ng mga ipinagbabawal na paputok kabilang ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, goodbye earth, goodbye bading, hello Columbia at Goodbye Philippines.

Idiniin ni Gamboa na mahigpit na ipatutupad ng PNP ang Executive Order No. 28 ni President Rodrigo Duterte sa lahat ng mga gumagawa at maging ang mga nagbebenta ng iligal na pa­putok, pyrotechnic display at iba pa.

Sinumang lalabag ay mahaharap sa pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon habang ang piyansa ay aabot sa P20,000-P30,000, pagkakakansela ng business permit at kukumpiskahin rin ang paninda ng mga ito.

ARCHIE GAMBOA BAN PAPUTOK PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with