Ito ay ayon sa pag-aaral ng 2018 Programme for International Student Assessment o PISA kung saan pinakamababa ang Pilipinas sa Reading at pangalawang pinakamababa sa Science at Math.
The STAR/Miguel de Guzman
Pinoy students mataas ang tsansang ma-‘bully’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumabas sa isang pag-aaral sa halos walumpung (80) bansa na ang mga mag-aaral sa Pilipinas ang may pinakamataas na tsansa na makakaranas ng pambu-bully. 

Ito ay ayon sa pag-aaral ng 2018 Programme for International Student Assessment o PISA kung saan pinakamababa ang Pilipinas sa Reading at pangalawang pinakamababa sa Science at Math.

Kaugnay nito, nanawagan si Senador Win Gatcha­lian sa Department of Education o DepEd na maging istrikto sa pagpapatupad ng mga pamantayan laban sa pambu-bully kasunod ng pagsasabatas nito.

Ayon sa PISA, mahigit animnapung (65) porsyento ng mga mag-aaral sa high school ang nakakaranas ng ilang insidente ng pambu-bully sa isang buwan. Mas mataas ito sa mahigit dalawampung porsyentong naitala sa ibang bansang lumahok sa naturang assessment.

Ayon pa sa pag-aaral, ilan sa mga posibleng epekto sa mga biktima ng pambu-bully kasama na rin yung mga nambu-bully ay ang hindi pagpasok sa klase, mas mahinang performance, at pag-drop out mula sa paaralan.

Base sa pag-aaral, ang mga estudyante na nagsabing nakaranas sila ng pagbabanta ay may markang mas mababa ng higit limampung (56) puntos sa pagbabasa o Reading Comprehension kung ihahambing sa mga hindi nakaranas ng pagbabanta. Ayon din sa pag-aaral, ang mga estudyanteng nakaranas ng panunukso ay nakakuha ng markang mas mababa ng labintatlong (13) puntos kung ihahambing sa mga hindi tinutukso.

Ang PISA ay isang programa ng Organisation for Economic Cooperation and Development o OECD na naglalayong suriin ang educational system ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsukat sa kakayahan ng mga batang may edad 15 sa Reading, Math at Science. Unang sumabak ang Pilipinas sa pinakahuli at pinag uusapang global assessment.

Para kay Gatchalian ang paglaban sa bullying ay isang hakbang upang maiangat ang mga marka ng mag-aaral sa PISA lalo na’t may epekto ang bullying sa academic performance.

BULLY DEPARTMENT OF EDUCATION WIN GATCHA­LIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with