Cha-cha hindi uusad kung itsapuwera ang Senado – Lacson

Ayon kay Lacson, ang Kongreso ay bicameral o may dalawang kapulungan at kung hindi papayag ang Senado sa pag-amiyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng constituent assembly ay walang mangyayari sa gusto ng mga kongresista.
The STAR/ File

MANILA, Philippines — Matapos buhayin sa House of Representatives ang usapin tungkol sa Charter Change (Cha-cha), tiniyak kahapon ni Senator Panfilo Lacson na hindi uusad ang panukala kung hindi isasali ang Senado.

Ayon kay Lacson, ang Kongreso ay bicameral o may dalawang kapulungan at kung hindi papayag ang Senado sa pag-amiyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng constituent assembly ay walang mangyayari sa gusto ng mga kongresista.

“Being bicameral, without the Senate agreeing to amending the Charter via a constituent assembly, assembly no amount of determined efforts by the House members will bring to reality new provisions of the 1987 Constitution, whether economic or political,” sabi ni Lacson.

Ayaw namang magbigay ng assessment ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa ginawa ng mga congressmen lalo pa’t hindi niya alam kung ano ang nais mangyari ng mga ito at hindi rin kasama sa kanilang prayoridad ang Chacha.

Hindi rin malinaw kay Sotto ang ginamit na “resolution of both houses of Congress” sa ipinasang resolusyon ng komite sa Kamara.

Nauna rito, napaulat na inaprubahan sa isang executive session ng isang komite sa House of Representatives ang isang resolusyon na nagsusulong na amiyendahan ang Konstitusyon.

Show comments