^

Bansa

5,552 pushers, users todas sa drug war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5,552 pushers, users todas sa drug war
Sa rekord ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing mga drug personalities ay napatay sa 151,601 anti-illegal drug operations simula Hulyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 30, 2019.
KJ Rosales/ File

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 5,552 katao ang napaslang sa anti-drug war operation habang aabot sa 220,728 ang nasakoteng drug personalities.

Sa rekord ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing mga drug personalities ay napatay sa 151,601 anti-illegal drug operations simula Hulyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 30, 2019.

Kabuuang 433 dens at mga clandestine laboratories naman ang nabuwag ng PDEA operatives.

Sa 42,045 mga barangay ay nasa 16,706 ang idineklarang nalinis na sa droga habang 17,175 pa ang lilinisin.

Sa rekord din ng PDEA, naitala sa 726 mga nagtatrabaho sa gobyerno ang nasakote sa drug operation, 347 dito ang mga empleyado ng gobyerno, 297 ang mga halal na opisyal at 82 uniformed personnel.

Sa kasalukuyan, nasa P40.39 bilyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska na karamihan ay shabu na aabot sa 5,183 kilo na nagkakahalaga ng P31.25 milyon.

Samantala 8,185 high value targets ang nasakote.

vuukle comment

DRUG WAR

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with