"Kung pagdating sa pagpapatupad ng batas, siguro wala...  I guess wala namang nabago o wala naman talaga dapat glaring issues na makikita natin bumaba ang krimen o bumaba ang accomplishment natin sa illegal drugs," ani Aquino sa magkahalong Inggles at Filipino.
AFP/Noel Celis, File
PDEA: Robredo walang gaanong ambag sa 'drug war' noong ICAD co-chair pa
James Relativo (Philstar.com) - December 12, 2019 - 4:17pm

MANILA, Philippines — Minaliit ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga naging kontribusyon ni Bise Presidente Leni Robredo habang nanunungkulan pa bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, hindi raw naging signipikante ang nagawa ni Robredo, na kritiko ng ng madugong kampanya kontra-droga, habang hawak ang posisyon ng 18 araw.

"Kung pagdating sa pagpapatupad ng batas, siguro wala...  I guess wala namang nabago o wala naman talaga dapat glaring issues na makikita natin bumaba ang krimen o bumaba ang accomplishment natin sa illegal drugs," ani Aquino .

Matatandaang itinalaga ni Duterte si Robredo sa ICAD noong ika-31 ng Oktubre kahit na taliwas sila ng pananaw sa pagsugpo sa problema ng narcotics.

Kung hindi siya sinisante noong Nobyembre, aabot pa sana siya ng ika-30 ng Hunyo, 2022.

Sa kabila nito, isasapubliko raw ni Robredo ang kanyang mga natuklusan habang noong siya'y anti-drug czar pa.

Pagbabahagi pa ni Aquino, baka naging mas naging mahusay si VP Leni kung pinulong niya ang iba't ibang clusters ng komite.

"Siguro may missteps na nangyari sa kanya na she should have met all the four clusters. Sana plinan out niya anong gagawin ko," wika niya.

"Paano mo maiintindihan lahat kung hindi mo kinikita ang mga taong ito tapos 'yung ibang ahensya, kinakatagpo mo?" sabi niya sa magkahalong Inggles at Filipino.

Kabilang sa mga nasabing cluster ang enforcement, justice, advocacy at rehabilitation and reintegration.

Bagama't ikinatuwa ni Aquino noon ang pagkakatalaga kay Robredo, matatandaang sinabi niya na "mabibigo" ang bise kung tatanggapin ang posisyon isang araw bago nagsimula ang kanyang panunungkulan.

Ayon sa Real Number PH initiative, nasa 5,552 drug personalities na ang napapatay sa mga opisyal na police operations kaugnay ng gera kontra droga.

Malayo ito sa 27,000 datos na dati nang inilabas ng Commission on Human Rights noong 2018.

Kasalukuyang kinukumpleto ni International Criminal Court prosecutor Fatou Bensouda ang kanyang preliminary investigation tungkol sa mga diumano'y crimes against humanity ni Duterte, kabilang dito ang extrajudicial killings kaugnay ng war on drugs. — may mga ulat mula kay Franco Luna at News5

AARON AQUINO INTER-AGENCY COMMITTEE ON ANTI-ILLEGAL DRUGS LENI ROBREDO WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with