^

Bansa

Martial law sa Mindanao hindi na ie-extend ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
Martial law sa Mindanao hindi na ie-extend ni Duterte
"Nais ipabatid ng Tanggapan ng Pangulo na hindi na palalawigin ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang martial law sa Mindanao oras na mapaso ito sa ika-31 ng Disyembre, 2019," wika ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa Inggles.
Presidential Photo/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Palasyo na hindi na palalawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar na umiiral sa Mindanao, Martes.

"Nais ipabatid ng Tanggapan ng Pangulo na hindi na palalawigin ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang martial law sa Mindanao oras na mapaso ito sa ika-31 ng Disyembre, 2019," wika ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa Inggles.

Paliwanag niya, ginawa ng commander-in-chief ang desisyon kasunod ng pagsusuri ng kanyang mga security at defense advisers.

Humihina na raw kasi ang pwersa ng mga terorista at rebelde "bilang resulta ng pagkakanutralisa ng kanilang mga pinuno, maliban sa pagbaba ng crime index, at iba pang mga salik."

Dagdag pa ni Panelo, patunay lang daw na tumutugon ang pangulo batay sa sitwasyon doon.

"Kumpiyansa ang Palasyo sa kapasidad ng ating security forces na panatilihin ang kapayapaan at seguridad ng Mindanao kahit na walang batas militar," patuloy niya pa.

"Tinitiyak natin sa mga taga-Mindanao na agad na sosolusyunan ang anumang mayor na insidenteng mangyayari sa rehiyon."

Ika-23 ng Mayo taong 2017 nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katimigang pulo ng bansa sa martial law matapos ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno at Maute sa Lungsod ng Marawi.

Human Security Act, itutulak ba ng presidente?

Nitong Nobyembre lang nang ianunsyo ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na niya imumungkahi ang pag-eextend sa martial law dahil sa ang "tagal na masyado."

Sa kabila nito, itinutulak naman ng DND ang pag-aamyenda sa Human Security Act of 2007.

"We can do our job naman. Kaya nga, lalo na kung maipapasa ng Senado o Kamara ang Human Security Act," sabi pa ng Defense chief.

"Mas mainam na kaayusan 'yun kaysa martial law."

Nitong Agosto, sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na nais nilang tanggalin ang probisyon ng batas na magpapataw ng P500,000 multa kada araw sa mga security officers na humuli sa napalayang pinaghihinalaang terorista.

Gusto rin ng militar na madagdagan ang three-day custodial investigation period. — may mga ulat mula kay The Star/Christina Mendez

vuukle comment

MARTIAL LAW

MINDANAO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with