Base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 27 hanggang 30, lumabas na 78 porsi­yento ang pumabor sa Amerika samantalang 12 porsiyento lamang ang sa China.
The STAR/File
Mayorya ng Pinoy mas pabor sa US kaysa China - SWS
(Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas mahalaga sa mayorya ng mga Pilipino ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika kaysa sa relasyon ng bansa sa China.

Base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 27 hanggang 30, lumabas na 78 porsi­yento ang pumabor sa Amerika samantalang 12 porsiyento lamang ang sa China.

Pinakamataas ang bilang ng mga pumabor sa Amerika mula sa Ba­lance Luzon na umabot ng 83 porsiyento, sinundan ng Metro Manila, 79%, Visayas, 77%, sa­mantalang ang Min­danao ay 67 porsiyento.

Lumabas din na 80% ang may sobrang tiwala sa Amerika, 11% ang undecided at 8 porsiyento ang kaunti lamang ang tiwala sa China.

Nasa 1,800 indibiduwal ang sumali sa survey.

Umabot lamang sa 21 porsiyento ang may tiwala sa China, 23 porsi­yento ang “undecided” samantalang 54 porsi­yento ang may “little trust.”

Samantala, sa kapareho pa ring survey, 52 porsiyento ang naniniwala na posibleng sabay na magkaroon ng magandang relasyon ang Pilipinas sa Amerika at China. Apatnapu’t isa (41) porsiyento ang nagsabing imposible ito, samantalang 7 porsi­yento ang hindi magbigay ng sagot.

Limang porsiyento ang nagsabi na kapwa mahalaga ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika at sa China, samantala  4% ang walang sagot. (Malou Escudero)

SWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with