^

Bansa

Martial Law extension sa Mindanao malabo na - Go

Pilipino Star Ngayon
Martial Law extension sa Mindanao malabo na - Go

MINDANAO, Philippines — Inihayag ni Sen. Bong Go na posibleng hindi na muling palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao.

“Sa ngayon, as a Senator, (tingin ko) hindi na po mae-extend ‘yung Martial Law. Sumulat naman po si National Defense Secretary Delfin Lorenzana (kay President Rodrigo Duterte). Hindi na po yata kailangan ng Martial Law,” ani Go.

Nagtungo sa Maguin­danao ang senador upang pangunahan ang pagbubukas ng ika-53rd Malasakit Center sa Maguindanao Provincial Hospital. 

Sinabi ni Go na pabor siya sa naging desisyon ng militar na huwag nang palawigin ang Martial Law sa Mindanao. 

Ang Martial Law sa Mindanao na idineklara ni President Duterte dahil sa nangyaring Marawi siege ay magtatapos na sa December 31, 2019. Dalawang beses itong na-extend.

Sabi ni Sen. Go, hindi na kailangan ang Martial Law kapag ang panukalang amiyenda sa Human Security Act of 2007 ay naisabatas na.

Layon ng panukalang amiyenda na mapalakas ang paglaban ng bansa sa anti-terrorism.

Matatandaang inirekomenda ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pangulo na huwag nang i-extend ang Martial Law sa Min­danao, batay na rin sa desisyon ng Armed For­ces of the Philippines.  

Sinasabing nakontrol na ng AFP ang lakas at kapabilidad ng mga teroristang grupo, kabilang ang Maute Group. Marami na ring loose firearms ang isinuko sa militar.

Iniulat din ng security forces ang pagbaba ng antas ng krimen sa mga strategic areas at ang Abu Sayaff sa Basilan at sa Sulu ay halos lansag na.

Sinuportahan din ni Interior Secretary Eduardo Año ang rekomendasyon ni Lorenzana sa pagsasabing ang layunin ng Martial Law na ibalik sa normal ang katahimikan sa Mindanao ay nakamit na, base na rin sa assessment ng militar at pulisya.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with