Ang nasabing hakbang ay nakapaloob sa House Resolution 568 na bumabati sa mga atletang Pinoy na nakasungkit ng mga medalya. Itinuturing na pinakama­laki ang 30th SEA Games dahil sa 56 sports nito at 530 events.
Russell Palma/File
P10 milyon sa Pinoy gold medalists
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

Dagdag pabuya ng Kamara

MANILA, Philippines – Magbibigay ng ka­buuang P10 milyon na pa­buya o insentibo ang mga kongresista sa mga atletang Pinoy na hahakot ng gintong medalya sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa bansa.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Ca­yetano na kokolektahin ang nasabing halaga sa sweldo ng mga kongresista sa Enero 2020.

Ang nasabing hakbang ay nakapaloob sa House Resolution 568 na bumabati sa mga atletang Pinoy na nakasungkit ng mga medalya. Itinuturing na pinakama­laki ang 30th SEA Games dahil sa 56 sports nito at 530 events.

Ang resolusyon ay inihain ng mga lider ng Kamara sa pangunguna ni Cayetano na siya ring chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

“Whereas, as a concrete manifestation of the commonality of the goal to bring honor and pride to the country, the leaders and members of the House of Representatives deem it proper to deduct individual pledges from their salaries for January 2020 as additional incentives to Filipino gold medal winners in the 30th SEA Games,” batay sa resolusyon.

Nakasaad din sa resolusyon na marapat lang bigyan ng  dagdag pabuya mula sa Kamara at Philippine Olympic Committee (POC) ang mga nagkamit ng SEAG gold medals dahil sa dangal at tagumpay na ibinigay ng mga ito sa ating bansa.

Ang dagdag-incentive mula sa Kamara para sa gold meda­lists ay bukod pa sa ma­tatanggap nila na nakasaad sa batas at premyong cash mula sa POC.

Ang 30th SEAG ay pormal na binuksan ni Pangulong Duterte noong Nobyembre 30 sa isang magarbong opening ceremony sa Philippine Arena sa Bulacan. Ito ay tatagal hanggang Disyembre 11.

Aabot sa 1,094 atletang Pinoy kasama ng 753 na mga coach ang lumalaban ngayon sa SEAG.

GOLD MEDALISTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with