^

Bansa

DDR bill hinging ipasa ng Kongreso

Pilipino Star Ngayon

Dahil kay ‘Tisoy’

MANILA, Philippines – Matapos ang matinding pananalasa at pahirap sa libu-libong Pilipino ng bagyong Tisoy, bukod sa mga namatay, sadyang kailangang ipasa na ng Kongreso ang panukalang ‘Department of Disaster Resilience (DDR) bill.’

Sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng ‘House Ways and Means Committee’ at pangunahing may-akda ng DDR bill, na sobra na ang mga nalusaw na yaman at potensiyal ng Pilipinas, at pahirap sa mga Pilipino, “gawa ng lalong lumilimit at bumabangis na masamang panahon, at kailangang lumikha agad ang gobyerno ng isang ahensiyang magpapatupad ng mabisang programang tutugon sa banta at pananalasa ng mga kalamidad.”

Gagawing ganap na kagawaran ang DDR na pamumunuan ng isang Kalihim na mayroong mga ‘undersecretaries, assistant secretaries and directors.’ Tungkulin nito ang patuloy na pagbalangkas at pagsasagawa ng mga estratehiya at programa sa pagtugon sa mga kalamidad, kasama ang pagha­handa, pag-iwas, pagpapahina, pagbibigay babala, pagsaklolo at pag-ayuda sa oras ng kalamidad, at pagbangon pagkalampas nito, katulong ang buong gobyerno at lipunan.

Sa panukalang aprubado na ng House Government Trorganization Committee, magkakaroon ng ‘joint operational  supervision’ sa apat na ahensiyang mahalaga ang papel sa ‘disaster risk reduction’ -- Pag­asa, Phivolcs, Mines and Geo-sciences Bureau at Bureau of Fire Protection – ang DDR, DOST, DENR at DILG sa halip na ipailalim ito lahat sa DDR.

 

vuukle comment

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with