Duterte titigil lang sa pag mo-motor ‘pag patay na

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Duterte na titigil lamang siya sa pagmomotorsiklo kapag patay na siya.

“Kung wala na ring kaligayahan ‘yung buhay mo, wala ka na rin magawa, buti pa mamatay ka,” ayon sa Pangulo.

Sinabi pa ng Pa­ngulo na ang gusto niyang matanggap na regalo ngayong Pasko ay motorsiklo pa rin.

“Kung puwede sana motor,” sagot ng Pangulo nang tanungin kung ano ang gustong regalo nitong matanggap nga­yong Pasko.

Sa kabila ito ng aksidente niya sa motorsiklo noong Oktubre sa Malacañang Park matapos siyang sumemplang.

Inamin din ng 74-anyos na Pangulo na tuwing umaga ay may stretching exercise ito upang ma­ging healthy ang kanyang mga joints.

Show comments