^

Bansa

‘Dumami ang drug lord sa panahon mo’

Pilipino Star Ngayon

Sen. Go kay ex-PNoy...

MANILA, Philippines — “Alam n’yo dating Pangulong Aquino, dumaan na po ang panahon ninyo na dapat noon n’yo na sinugpo itong iligal na drogang ito. Dumami ang mga adik, dumami ang mga sindikato, dumami ang drug lord nu’ng panahon mo.” 

Ito ang naging resbak ni Sen. Bong Go kay da­ting Pangulong Noynoy Aquino matapos nitong kuwestiyunin si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi pagtitiwala kay Vice President Leni Robredo na itinalaga bilang anti-drug czar ng bansa.

Ipinagtanggol ni Go si Duterte sa pagsasabing itinalaga si Robredo upang mabigyan ng oportunidad na resolbahin niya ang drug problem dahil sa patuloy na pagbatikos na bigo ang war on drugs ng adminis­trasyon. 

Ngunit ilang linggo na sa posisyon, puro press conference o “pagputak” umano sa media at pakikipagpulong sa mga kritiko ng war on drugs ang nagagawa pa lang ni VP Robredo.

Kaya naman inamin ni Pangulong Duterte na wala siyang tiwala kay Robredo kapag binigyan ng datos o listahan ng mga high value target sa illegal drugs.

Binatikos naman ni Go si ex-PNoy sa pagsasabing binigyan ng mahabang tsansa ang dating Pangulo na lutasin ang drug problem sa bansa ngunit mas lalo itong lumala. 

“Ngayon po, si Pangulong Duterte pilit niyang sinusugpo ito bagama’t napakahirap po. Hindi po makatutulong ang iyong komento. Isa ka sa nagpadagdag niyan,” upak pa ni Go kay Noynoy. 

Ayon sa senador, ang sambayanang Filipino lamang ang makapaghahatol kung naging tagumpay ba o hindi ang pagsisikap ng Duterte government na labanan ang droga.

vuukle comment

DRUG LORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with