^

Bansa

SC ruling sa sahod ng nurse sinuportahan ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon
SC ruling sa sahod ng nurse sinuportahan ni Sen. Go
“Importante po sa atin ang mga nurses at suportado natin ang kanilang pagkapanalo sa Supreme Court,” ani Go sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado ukol sa badyet ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.
Bong Go FB Page

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Bong Go na suportado niya ang Supreme Court ruling na nagpapatibay sa Section 32 ng Republic Act 9173 o “Philippine Nursing Act of 2002” na nagsasaad na ang minimum base pay ng mga nurse sa public health institutions ay hindi dapat bababa sa salary grade 15.

“Importante po sa atin ang mga nurses at suportado natin ang kanilang pagkapanalo sa Supreme Court,” ani Go sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado ukol sa badyet ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.

Gayunman, sinabi ni Go na hindi pa ito naisasama sa panukalang 2020 budget ng health department dahil masusi pang pinag-aaralan ng Department of Budget and Management (DBM) at ng DOH kung magkanong pondo ang ilalaan dito.

Binanggit ni Go na ang implementasyon ng High Court ruling ay nagkakahalaga ng P3.17 billion taon-taon base sa kasalukuyang salary schedule.

“For now, uunahin muna natin ang Sa­lary Standardization 5 in which kasama ang mga nurses at meron na pong pwedeng pagkukunan ng pondo,” sabi ni Go.

Nauna rito, naghain si Go noong July ng Senate Bill (SB) 200 o panukalang “Act Modifying the Salary Schedule for Civilian Government Personnel” na layong itaas ang sahod ng government workers, kasama ang nurses at teachers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with