National ID System
File Photo
National ID maaantala, walang pondo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maaabot ang target na mabigyan ng national ID ang nasa 120 milyong Filipino sa loob ng apat na taon dahil sa kawalan ng pondo.

Kahit sa panukalang 2020 national budget na dinidinig ngayon ng Senado ay “zero” ang funding ng proyekto sa ilalim ng “programmed portion.”

Ang inilaan na P2.4 bilyon ay nasa “unprogrammed appropriation,” na ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ay isang tentative allocation o mapopondohan lang kung magkakaroon ng bagong utang o kung makakakolekta ng buwis.

Pero kahit pa aniya magkaroon ng P2.4 bil­yon, kakatawan lamang ito sa 42 porsiyento ng kinakailangang pondo para sa susunod na taon.

Kaya sa halip aniya na 14 milyong Filipino ang magkaroon ng national ID, aabot lamang ito sa 6.3 milyon sa 2020.

Ipinaliwanag pa ni Recto na ang kawalan ng pondo ay may domino effect sa timetable ng proyekto.

Sa orihinal na plano, dapat ay nasa 14 milyon ang mabigyan ng ID sa 2020; 52 milyon sa 2021, kabilang ang nasa 5 mil­yon overseas Filipinos; at 44 milyong lokal na residente, bukod pa sa karagdagang 5 milyong overseas Filipinos sa 2022.

Upang maabot ang deadline, 4.3 milyong registrants ang dapat maproseso kada buwan ng 5,000 registration kits na nasa mga mobile at fixed registration centers.

Idinagdag ni Recto na “no GAA (General Appropriations Act), no ID” ang mangyayari sa proyekto.

RALPH RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with