Samantala, posible ring maging tropical depression sa susunod na 24 oras ang low pressure area na natagpuan 720 kilometro silangan mula sa Guiuan, Eastern Samar.
Released/PAGASA
Signal No. 3 itinaas sa 13 bayan dahil sa Typhoon Ramon
James Relativo (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:12pm

MANILA, Philippines — Patuloy na niraragasa ng Typhoon Ramon ang ilang bayan sa hilagang bahagi ng Cagayan habang tinutumbok nito ang kalupaan, Martes.

Kaninang alas-diyes ng umaga, natagpuan ang mata ng bagyong "Ramon" 120 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan, at taglay na hanging aabot ng hanggang 120 kilometro kada oras,

Meron naman itong pagbugso na papalo ng hanggang 165 kilometro kada oras at halos hindi gumagalaw sa ngayon.

Posible itong sumalpok sa Babuyan Islands ngayong hapon o gabi. 

"Dahil sa land interaction at Hanging Amihan, nakikitang hihina ito oras na mag-landfall," ayon sa PAGASA sa Inggles.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:

  • Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga at Santa Ana)

Samantala, Signal no. 2 naman sa:

  • Batanes
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • nalalabing bahagi ng Cagayan

Nananatili naman ang Signal No. 1 sa:

  • hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
  • Mountain Province Benguet
  • Ifugao
  • La Union
  • Pangasinan

Dahil sa mga weather system na umiiral sa bansa, makararanas ng katamtaman na may madalas na malalakas na pag-ulan sa:

  • Batanes
  • hilagang bahagi ng Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
  • Apayao
  • hilagang bahagi ng Ilocos Norte

Mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan naman ang matitikman ng:

  • Isabela
  • Kalinga
  • Abra
  • mnalalabing bahagi ng Cagayan
  • Ilocos Sur

Panibagong LPA magiging bagyo na rin

Habang nasa loob pa ng Philippine area of responsibility ang ang bagyong "Ramon," nakikita na magiging bagyo rin ang low pressure area na natagpuan 720 kilometro silangan mula sa Guiuan, Eastern Samar.

"Ang sama ng panahon na ito ay tinatayang lalakas hanggang maging tropical depression sa susunod na 24 oras," dagdag pa ng PAGASA.

LOW PRESSURE AREA PAGASA RAMON RAMONPH TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with