‘Ramon’ patuloy na banta sa Luzon
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy na nagbabanta ang bagyong Ramon sa Luzon.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Ramon ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 420 kilometro ng hilaga-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa  65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa silangang bahagi ng Cagayan - Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca gayundin sa silangang bahagi ng Isabela - Maconacon, Divilacan, Palanan at  Dinapigue gayundin ang Northern Aurora - Dilasag, Casiguran at  Dinalungan

Sa nakalipas na oras, si Ramon ay nanatiling hindi kumikilos sa buong Philippine sea - silangan ng Northern Luzon.

Bunga nito,  makakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman at paglakas ng ulan sa silangang bahagi ng Cagayan, Isabela at Bicol Region, northern Samar at Romblon.

Katamtaman naman na minsay paglakas ng ulan sa silangan ng  Cagayan at Isabela at katamtamang pag-ulan sa  Apayao, Kalinga, Northern Aurora at sa nalalabing bahagi ng Isabela at Cagayan.

Ang masamang panahon ay maaapektuhan ng amihan kaya patuloy na makakaranas ng  masungit na panahon sa Northern Luzon, Aurora, at Bicol Region lalo na ang mga nakatira sa tabing dagat at bulubunduking lugar.

Ngayong linggo, si bagyong Ramon ay nasa layong  215 kilometro ng silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Aurora at sa Lunes ay nasa layong 85 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Inaasahang lalabas sa ating bansa ang bagyong Ramon sa Huwebes ng umaga.

RAMON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with