Crackdown vs wang-wang, blinkers sa SEA Games

Sa kaniyang direktiba, tanging mga patrol, motorcycles, SOCO, SWAT, rescue vehicles at mga ambulansiya ng PNP ang papayagan na gumamit ng sirena, blinkers at iba pang mga pailaw.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos kahapon ni PNP Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang crackdown operations laban sa mga wang-wang at blinkers ng mga sasakyan at hindi mga awtorisadong motorcycle escorts sa South East Asian (SEA) Games.

Sa kaniyang direktiba, tanging mga patrol, motorcycles, SOCO, SWAT, rescue vehicles at mga ambulansiya ng PNP ang papayagan na gumamit ng sirena, blinkers at iba pang mga pailaw.

Exempted o libre rin ang mga firetrucks, ambulansya at iba pang mga rescue at emergency vehicles.

Binigyang diin ni Gamboa na ang mga PNP motorcycles, mobile cars ay awtorisado sa pagpapatrulya at hindi para sa personal na gamit sa mga kasalan, kaarawan at funerals.

Nagbigay rin ng direktiba si Gamboa sa mga unit commanders na magdeploy ng mga pulis at traffic personnel para tumulong sa mga emergency vehicles tulad ng mga ambulansya, fire trucks na naiipit sa trapiko sa kahabaan ng EDSA at iba pang mga busy streets sa bansa.

Show comments