^

Bansa

Mga hukom bibigyan ng security - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinag-utos na kahapon ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa na bigyan ng security protection ang mga hukom at iba pang miyembro ng hudikatura na may banta sa kanilang buhay.

Inihayag ito ni Gamboa matapos makatanggap ng death threats si dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin, 70, na nagretiro na sa serbisyo.

Ayon kay Gamboa, hindi na kailangang makarating pa sa kaniya ang ulat at dapat nang gawin ito ng mga hepe sa mga probinsya at maging sa mga lungsod sa kani-kanilang mga hurisdiksyon.

Sa police blotter ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, dumulog sa himpilan ng pulisya si Bersamin matapos na mapansin ng mga bodyguards nito na may riding-in-tandem na sumusunod sa kanilang behikulo sa kahabaan ng Quezon Avenue ng lungsod noong Linggo.

Bukod dito ay sunud-sunod na death threats din ang natanggap ni Bersamin mula sa hindi nakilalang mga caller simula umano ng magretiro siya sa serbisyo nitong Oktubre 18.

Simula Enero 1999, nasa 30 huwes na ang napapatay base sa rekord ng Korte Suprema.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with