“Nasa inyo na ‘yan (It’s up to you) if the parties would honor. I’m not forcing anybody to take a stand. It’s your choice because the agreement and the choice is yours. Cause you can make or unmake the Speaker,” wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi sa joint birthday celebration nina Velasco at maybahay nitong si Wen.
King Rodriguez/Presidential Photo
‘Solons, bahala kayo’- Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

Sa term sharing sa Speakership

MANILA, Philippines – Ipinauubaya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista ang desisyon kung itutuloy pa nila ang term-sharing agreement nina House of Representatives Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Magugunita na si Pangulong Duterte ang namagitan sa term-sharing deal nina  Cayetano at  Velasco.

“Nasa inyo na ‘yan (It’s up to you) if the parties would honor. I’m not forcing anybody to take a stand. It’s your choice because the agreement and the choice is yours. Cause you can make or unmake the Speaker,” wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi sa joint birthday celebration nina Velasco at maybahay nitong si Wen.

Sa ilalim ng term-sharing agreement ay unang magsisilbi si Caye­tano bilang speaker sa loob ng 15 buwan habang si Velasco naman ang susunod sa natitirang 21 buwan.

Ilang kaalyado ni Cayetano ang nagpalutang na hindi na dapat ituloy ang term-sharing agreement at ipaubaya na lamang ni Velasco ang speakership kay Cayetano.

Siniguro naman kamakalawa ni Cayetano kay Velasco na tuloy ang kanilang term-sharing at walang dapat ipag-alala si Velasco sa kanilang kasunduan.

 

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with