^

Bansa

SOCCSKSARGEN team kinasuhan ng game fixing

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kaso sa Department of Justice ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)  ang buong team ng SOCCSKSARGEN kabilang ang lahat ng players at opisyal nito dahil sa  game fixing.

Sina MPBL Commissioner Kenneth Duremdes at MPBL Legal Counsel Atty. Brando Viernesto  ang naghain ng reklamo sa DOJ hinggil sa lahat ng scheming activities sa games ng MPBL.

Matatandaan na na­una nang sinuspinde ni Senator Manny Pacquiao ang buong SOCCSKSARGEN Team matapos matuklasan ang alegasyon na may game fixing at may iba pang scheming activities na ginawa ng koponan sa MPBL.

Sinabi ni Pacquiao na mahirap para sa kan­ya na suspendihin ang  na­turang team pero ka­ilangan magsagawa ng drastikong pagkilos upang protekta­han ang integridad ng liga.

Hindi umano dapat na mahaluhan  ng anumang anomalya ang liga  dahil integridad ang pinaiiral ng grupo.

Kailangan pairalin umano ang samahan at pagkakaisa ng mga manlalaro at hindi dapat na pairalin ang dayaan.

“Dapat itong magsilbing seryosong paalala sa lahat ng ibang koponan sa MPBL na hindi natin pinahihintulutan ang anumang anyo ng pandaraya at ibang unsportmanlike behavior.

Binuo natin ang MPBL para itaguyod ang parehas na laro sa basketball kaya ayokong makarinig ng anoman na makakasira sa pangalan ng liga,” diin ni Pacquiao.

vuukle comment

SOCCSKSARGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with