Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay nagbabantang maging bagyo sa susunod na dalawang araw. Oras na maging bagyo ang LPA, ito ay tatawaging bagyong Ramon.
PAGASA website
LPA bantang maging bagyo
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng ating bansa. Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay nagbabantang maging bagyo sa susunod na dalawang araw. Oras na maging bagyo ang LPA, ito ay tatawaging bagyong Ramon.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 1,100 kilometro ng silangan ng Virac, Catanduanes.

 Bunga nito, makakaranas ng mga pag ulan ang CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region at Aurora Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag ulan dahil sa localized thunderstorms.

LPA PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with