Pero si Kine, may mungkahi na agad na hakbang para kay VP Leni: "[H]ere is my Recommendation No. 1: Arrest #Duterte and his henchmen for inciting & instigating mass murder."
The STAR/Joven Cagande, File
Ex-Human Rights Watch official 'nais tumulong' kay Robredo, Duterte ipinaaaresto
James Relativo (Philstar.com) - November 11, 2019 - 2:36pm

MANILA, Philippines — Ngayong si Bise Presidente Leni Robredo ang hamon ni Pangulong na ang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs, ilang international human rights advocates na ang nagpresenta upang magbigay ng tulong sa ikalawang pangulo.

Sa isang tweet Lunes ng umaga, sinabi ni Phelim Kine, direktor ng research and investigations ng Physicians for Human Rights, na handa siyang pumunta ng Pilipinas para tulungan ang bise.

"Dear VP @lenirobredo - my bags are packed and I'm ready to come to the #Philippines to help advise how to end this murderous 'drug war,'" ani Kine.

Si Kine ang deputy director ng Asia division ng Human Rights Watch mula 2012 hanggang 2018.

Bagama't kritiko ng gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa libu-libong napatay dahil dito, tinanggap ni Robredo ang hamon ng presidente na maging drug czar upang makaligtas ng "kahit isang inosenteng buhay."

Nakatakdang kumonsulta si Robredo sa mga opisyal ng United Nations ngayong araw pagdating sa mga researches at mga aral mula sa ibang bansa pagdating sa epektibong pagtigil sa iligal na droga.

Kahit na mamumuno sa ICAD si Robredo kasama ng Philippine Drug Enforcement Agency, aminado naman ang vice presidente na hindi pa rin malinaw ang saklaw ng kanyang trabaho.

"Actually, wala pang scope...Ako, maghihintay ako kung anong nakasaad sa nakasulat, para parati tayong may babalikan," sabi niya noong Sabado.

Nasa P15 milyon ang pondong nakalaan para sa ICAD para sa taong 2020, bagay na hindi raw sapat ayon kay Robredo.

Nais daw niya gamitin ang karagdagang pondo para sa rehabilitation at prevention.

Sa gitna ng kiskisan ni Duterte at Robredo patungkol sa magkaibang approach sa war on drugs, hiniling naman ng Palasyo kahapon na hayaan si VP na gawin ang kanyang tungkulin.

"Hayaan natin si VP Leni na ipatupad ang mga istratehiya niya. Hindi natin kailangan nang sobra-sobrang 'quarterbackers,' 'nitpickers' at sari-saring ispekulasyon," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo kahapon.

Ipakulong si Digong?

Pero si Kine, may mungkahi na agad na hakbang para kay VP Leni: "[H]ere is my Recommendation No. 1: Arrest #Duterte and his henchmen for inciting & instigating mass murder."

Nitong Agosto, sinabi ng Philippine National Police na umabot na sa 6,847 ang napapatay sa kampanya kontra iligal na droga.

Malayo 'yan sa 27,000 na binanggit ng Commission on Human Rights noong 2018, sa panayam ng ABS-CBN.

Sa kabila ng suwestyon, nananatili ang gobyerno na may "immunity" ang presidente mula sa anumang kaso hangga't nakaupo siya sa pwesto.

Labas sa isyu ng war on drugs, bokal na kritiko rin ng gobyerno ng Pilipinas ang dating HRW official patungkol sa panggigipit daw nito sa mga progresibo't non-government organizations.

Matatandaang iniugnay ng Department of National Defense ang lokal na balangay ng humanitarian organization na Oxfam sa "communist terror groups."

"The real terror is military targeting of leftist activists for extrajudicial killing," sabi niya.

HUMAN RIGHTS WATCH INTER-AGENCY COMMITTEE ON ANTI-ILLEGAL DRUGS LENI ROBREDO PHELIM KINE PHYSICIANS FOR HUMAN RIGHTS VICE PRESIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with