P285 milyong pananim sa Cagayan napinsala ni Quiel

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Uma­bot sa inisyal na P285 milyon ang halaga ng napinsalang mga pana­nim sa nagdaang pana­nalasa ng tropical depression Quiel sa hilagang Caga­yan noong Sabado.

Ayon kay Department­ of Agriculture Re­­gional Executive Director Narciso Edillo, inaasahan nilang tataas pa ang ha­laga kapag humupa na ang baha sa ilang bahagi ng Cagayan at maisa­gawa ng kabuuang estimasyon sa lawak ng pinsala.

Aniya ang assess­ment­ ay naisagawa pa lamang sa 9 mula sa 11 munisipalidad na apek­tado sa hilagang Cagayan.

Pangunahin sa mga nasalanta ay palay at high value crops, ani Edillo.

Idinagdag ni Edillo­ na isasagawa pa lamang nila ang damage assess­ment sa pinsala ng livestock o alagang hayop.

Samantala, inihayag ng Cagayan Risk Reduction Management Office­ na nagsimula nang mag­balikan sa kanilang mga tahanan ang mga nailikas sa baha habang bukas na rin ang mga panguna­hing lansangan sa tra­pikong nag-uugnay sa Ilocos at Cagayan Valley­ region.

Show comments