Si Vice Pres. Leni Robredo, bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) nang pangunahan ang pagpupulong kahapon kasama sina (mula kaliwa) DTI Sec. Ramon Lopez, PDEA Dir. Aaron Aquino, Dangerous Drug Board Chairman Catalino Cuy at DILG Sec. Eduardo Año.
Boy Santos
‘Oplan Tokhang’ itigil! - VP Leni
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Itigil ang mga wa­lang saysay na pagpatay sa ilalim ng Oplan Tokhang”.

Ito ang binigyang diin ni Vice Pres. Leni Rob­redo nang pangunahan kahapon ang kauna-unahang pagpupulong ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) matapos italaga ni Pangulong Duterte bilang co-chairman.

Naniniwala si Rob­redo na magtatagum­pay ang drug war kahit walang pagdanak ng dugo.

“Baka panahon na para pag-isipan natin yung pagpalit ng isang kampanya na mas epek­tibo pero walang namamatay senselessly,” ani Robredo.

Sinabi ni Robredo na bilang isang opisyal ng pamahalaan ay nais niyang matanggal sa kaisipan ng publiko ang Oplan Tokhang at palitan na ang kampanya ng mas epektibong istratehiya na walang mamamatay.

“I am all for vigorously anti-drug campaign. Pero I also feel that we should do things right,” ani Robredo. “I do not see this as a problem of crime only. Ang kalaban natin dito ay hindi ang kababayan natin. Ang kalaban natin ay ang droga.”

“Naniniwala ako na sa police operations, anything can happen. Iyong kinokontra natin iyong pinagpaplanuhan, at pagpatay ng mga wa­lang kamuang muang. Iyon ang aking posisyon and I feel so strongly against it,” anang bise presidente.

Sinabi nito na kailangang nakabatay ang drug war sa mga solidong ebidensya at maiwasang may maging ‘collateral damage’ na mga inosenteng sibilyan lalo na ay dapat masagip ang mga kabataang ginagawang courier ng droga.

Sinabi naman ni PDEA Director General Aaron Aquino, co-chairman ng ICAD, hindi naman kailangang itigil ang Oplan Tokhang basta’t naaayon sa batas ang isasagawa ng mga ope­ratiba.

Ayon kay Aquino, bagaman nagkaroon ng pagpalya sa mga operasyon ay na­ging matagumpay sa kabuuan ang Oplan Tokhang na kabilang sa istratehiya sa drug war.

Sa rekord ng PNP, nasa 5,700 drug suspect ang napaslang sa lehitimong operasyon simula ng maupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong Hulyo 1, 2016  at milyon naman ang nagsisukong drug suspects sa ilalim ng Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang ng PNP.

OPLAN TOKHANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with