‘ASF sa Pinas, mula sa China’ – DA
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Galing umano sa mga ipinuslit na pork products mula China ang lumaganap na African Swine Fever (ASF) sa Pilipinas.

Ito ang hinala ni Agriculture Secretary William DAR nang makumpiska noong nagdaang buwan ang mga smuggled meat products sa China na may ASF.

Sa isang pulong-bali­taan sa Quezon City, sinabi ni Dar na kumpirmado sa ASF ang mga refrigerated container vans na may lulan na karne at iba pang meat products mula sa China.

Sinasabing nang ma­ipasok ang kalakal na ito sa Port of Manila noong nagdaang buwan ay nakatala lamang itong tomato paste at vermicelli pero ito ay kinabibilangan ng dimsum, dumplings, peking duck, fresh frozen duck deserts, pork meat and pork products, marinated chicken wings, minced vegetables with meat, egg at noodles.

Anya ang ASF outbreak ay maaaring mula rin sa swill feed o mga kaning baboy na naipapakain sa mga alaga.

“Ang mga food waste nila ay itinapon sa Rodriguez Rizal at may nagkolekta ng swill feeds at pinakain sa baboy, doon nagsimula,” dagdag ni DAR.

AFRICAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with