"I can confirm that Zaldy AmpAtuan was rushed to the hospital last Monday at around 3:30pm due to Cardio Vascular Disease [Infarction] Secondary to [Cardiac] Dysrythmia," ani Solda.
File
Maguindanao massacre suspect Zaldy Ampatuan isinugod sa ospital
James Relativo (Philstar.com) - October 23, 2019 - 1:01pm

MANILA, Philippines — Isinugod sa ospital nitong Lunes ang isa sa mga akusado sa malagim na Maguindanao massacre na nangyari noong Nobyembre 2009.

Sa panayam ng Philstar.com, kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology spokesperson Xavier Solda na isinugod si Zaldy Ampatuan sa pagamutan bandang alas-tres noong ika-21 ng Oktubre.

"I can confirm that Zaldy Ampatuan was rushed to the hospital last Monday at around 3:30pm due to Cardio Vascular Disease [Infarction] Secondary to [Cardiac] Dysrythmia," ani Solda.

"As per last medical bulletin, he is in a stable condition now."

Paliwanag, hindi pa naman daw nadi-discharge si Ampatuan.

Matatandaang dinala na rin ngayong taon si Ampatuan sa Philippine Heart Center para gamutin.

Nitong Setyembre, kinatigan ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Court of Appeals na ibasura ang petisyon ni Ampatuan na maghain ng piyansa.

Nangyari ang pagsugod kay Zaldy sa ospital halos isang buwan bago ang ika-10 anibersaryo ng masaker.

Maguindanao Massacre

Ika-23 ng Nobyembre taong 2009 nang patayin ang 58 katao sa Ampatuan, Maguindanao bago ihain ni Esmael Mangudadatu, bise alkalde ng Buluan, ang kanyang certificate of candidacy.

Sa 58 biktima, mahigit 30 ang mga miyembro ng media na kasama nila.

Una nang tinawag ng Committee to Protect Journalists ang Maguindanao Massacre bilang "single deadliest event for journalists in history." 

Si Zaldy, na dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ay kapatid ni Andal Ampatuan Jr.

Plano sanang tumakbo ni Andal sa pagkagubernador laban kay Esmael sa eleksyong 2010. 

Sa tagal ng pag-usad ng kaso, ilan sa mga akusado sa masaker ay namatay na sa selda.

Inaantabayanan pa ang ilang detalye sa balitang ito. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

MAGUINDANAO MASSACRE MEDIA KILLINGS ZALDY AMPATUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with