Isinama na ng CIDG si Albayalde sa amended complaint na isinampa ng ahensiya sa Department of Justice laban sa 13 tinatawag na ‘ninja cops’ o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang mga droga at sangkot sa kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.
Geremy Pintolo
Kasong kriminal laban kay Albayalde isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isinampa na kahapon ng Criminal Investigation and Detection Group ang kasong kriminal laban kay dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde.

Isinama na ng CIDG si Albayalde sa amended complaint na isinampa ng ahensiya sa Department of Justice laban sa 13 tinatawag na ‘ninja cops’ o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang mga droga at sangkot sa kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.

Inakusahan si Alba­yalde ng paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drug Act at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Isinaad sa rekla­mong isinampa ng CIDG na na­bigo si Albayalde na kasuhan sina Police Supt. Rodney Baluyo at ang team nito dahil mga tauhan niya ang mga ito.

Sa nabanggit na drug raid, pinagkakitaan umano ng 13 pulis sa pangunguna ni Baloyo ang nakumpiskang P648 milyong halaga ng shabu at pinalaya ng mga ito ang umano’y drug lord na si Johnson Lee. Si Alba­yalde ang provincial director ng PNP sa Pampanga nang panahong iyon.

Sinabi naman ni Albayalde sa isang mensahe na tinatanggap niya ang reklamong isinampa ng CIDG at dito ay mabibigyan na siya ng due process.

Bukod kay Albayal­de, kasama sa kaso sina Baloyo, Sr. Insp. Joven De Guzman Jr., SPO1 Jules Maniago, SPO1 Donald Roque, SPO1 Ronald Bayas San­tos, SPO1 Rommel Vital, SPO1 Alcindor Tinio, SPO1 Dante Dizon, SPO1 Eligio Valeroso, PO3 Dindo Dizon, PO3 Gilbert De Vera, PO3 Romeo Guerrero Jr., at  PO2 Anthony Lacsamana.

Idinagdag ng CIDG si Albayalde bilang respondent sa kaso ilang araw makaraang irekomenda ng dalawang komite ng Senado na kasuhan siya kaugnay ng kontrobersiyal na operasyon sa Pampanga.

Sinasabi pa sa reklamo na tinangka ni Alba­yalde na impluwensiyahan si Philippine Drug Enforcement Agency chief at dating Central Luzon police chief Aaron Aquino para huwag kasuhan ang 13 pulis.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with