^

Bansa

Price ceiling sa 120 gamot suportado ni Angara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Price ceiling sa 120 gamot suportado ni Angara
Kabilang sa mga ito ang mga gamot laban sa mga killer diseases tulad ng hypertension, diabetes, cardiovascular, malubhang sakit sa baga, neonatal diseases, malubhang sakit sa bato at sa matitinding uri ng kanser.
File

MANILA, Philippines — Sinuportahan ni Sen. Sonny Angara ang hakbang ng Department of Health (DOH) na lagyan ng price ceiling ang 120 gamot pabor sa mahihirap na pasyente.

Kabilang sa mga ito ang mga gamot laban sa mga  killer diseases tulad ng hypertension, diabetes, cardiovascular, malubhang sakit sa baga, neonatal diseases, malubhang sakit sa bato at sa matitinding uri ng kanser.

Ito ang ikalawang batch ng mga gamot na isinailalim ng DOH sa maximum retail price (MRP) scheme base sa isinasaad ng RA 9502 o ang Cheaper Medicines Act of 2008.

“Kung tama ang pag-aaral ng DOH na hanggang ngayon, ibinibenta sa bansa ang generic drugs na four times na mas mataas sa presyo nito sa buong mundo, at ang branded products ay 22 times na mas pinataas ang presyo rito sa Pilipinas, dapat lang talaga na paigtingin at ipatupad ng DOH ang price ceiling. Hindi makatarungan ang ginagawa ng ilang kumpanya ng gamot,” ani Angara.

Ayon pa kay Angara, nakakalungkot na maging ang mahihirap na pamilya sa bansa ay kailangang gumugol ng halos kalahating porsyento sa health expenses dahil sa mga napakamahal na gamot, sa kabila ng mga programang pangkalusugan ng gobyerno.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang per capita health spending ng mga Pilipino noong 2017 ay umaabot sa P6,791 at base sa kabuuang populasyon sa naturang taon na 104.9 milyon, ang kabuuang national health spending ay umaabot sa P713 bilyon.

 

vuukle comment

MEDICINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with