DOLE tutol sa 2 years probation
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tutol si Labor Secretary Silvestre Bello III sa panukala ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose Bonito Singson, Jr. na gawing dalawang taon mula sa anim na buwan ang probationary period ng empleyado.

Ayon kay Bello, sapat na ang anim na buwan para makita ang kakayahan ng isang empleyado para tuluyan itong maregular sa isang trabaho.

Sinabi ni Bello na sa anim na buwan ay makikita na ang pag-uugali sa trabaho at ito ang pagbabasehan kung tuluyan itong tatanggapin sa kumpanya bilang regular employee.

Makikita rin dito ang working habits, integridad at kakayahan ng isang empleyado dahil sumasailalim na sa assessment.

Dito na ibabase kung dapat na i-hire at gagawing regular ang isang empleyado.

Dagdag pa ni Bello, nirerespeto nila ang panukala ni Singson subalit masyadong mahaba ang dalawang taon na maaaring maabuso ng mga pasaway na employer.

Samantala, ibinida din ni Bello plano ng isang malaking kumpanya na i-’regularize’ ang lahat ng mga empleyado nito, kabilang ang mga security guards at janitor.

Ang nasabing kumpanya na may ‘sikat’ na produkto ay gagawin ang anunsyo “in due time”, ayon kay Bello habang tumangging magbigay ng karagdagang detalye.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with