Sinubok ni Sen. Bong Go na takbuhin ang track oval sa bagong gawang New Clark City Sports Complex na gagamitin sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games. Ang Pilipinas ang magsisilbing host ng nasabing palaro.
Pinas handa na sa SEA Games - Sen. Go
(Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inihayag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na handa na ang Pilipinas para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa sa susunod na buwan.

Ginawa ni Sen. Go ang pahayag matapos magsagawa ng ocular inspection sa mga “state-of-the-art facilities” sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Si Sen. Go na siyang chairman ng Senate Committee on Sports ay nagsabing napakaganda ng lugar at pasilidad na gagamitin sa SEA Games ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Aniya, tinustusan ng gobyerno ng P13-bilyon ang proyekto upang mag-host ng 2019 SEA Games na gagawin sa darating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“As planned and promised, the construction of the sports complex is right on schedule. It will no doubt be ready for the coming 30th Southeast Asian Games,” anang senador mula sa Davao City.

Ang “New Clark City Sports Complex’ ay may 20,000-seat athletics stadium, 2,000-seat aquatic center na may Olympic-size pool, pitong gusali na tutuluyan ng mga atleta at sports events official.

“Isang patunay itong New Clark City Sports Complex na tapat si Pangu­long Rodrigo Duterte sa kaniyang hanga­ring umarangkada ang imprastruktura sa bansa at malinang ang kakayahan ng samba­yanang Pilipino,” giit pa ni Sen. Go.

Tiniyak din ni Go, na ang Pangulo ang siyang mangunguna sa pormal na pagbubukas ng nalalapit na ‘international sports event’.

 

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with