Shellfish sa 7 lugar, bawal kainin
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kunin, ibenta at kainin ang mga shellfish products tulad ng tahong, halaan at talaba mula sa pitong mga lugar sa bansa.

Ito ayon sa BFAR ay dahil mataas sa lason ng red tide ang mga baybayin ng Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa  Palawan; coastal waters  ng  Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Irong-irong, San Pedro, at Silanga sa Western Samar; at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte.

Kaugnay nito, nanawagan ang BFAR sa mga local chief executives ng naturang mga lugar na bantayang mabuti at huwag payagang makarating sa palengke ang shellfish products na mula sa naturang mga lugar.

Ang kakain ng shellfish meat na may red tide toxin ay maaaring magsuka, mag-diarrhea, sumakit ang tiyan at maaaring ikamatay pa.

SHELLFISH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with