Villar pinakamayamang senador
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Si Sen. Cynthia Villar pa rin ang pinakamayamang senador ng 18th Congress kahit pa nabawasan ng P185 milyon ang kanyang yaman sa nakaraang anim na buwan.

Base sa kanyang pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), si Villar ay nagdeklara ng net worth na P3.53 bilyon na walang utang noong Hunyo 30, 2019. Mas maliit ito kumpara sa P3.71 bilyon noong Dis­yembre 31, 218.

Pinakamahirap naman sa mga bagong senador si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na may net worth na P15 milyon habang pinakamahirap o nasa ika-24 puwesto si Leila de Lima na may P7 milyon.

Pumapangalawa pa rin bilang pinakamayamang senador si Manny Pacquiao na may net worth na P3 billion, sinundan ni Ralph Recto (P555M); Juan Miguel Zubiri (P182M); Bong Revilla (P164M); Sonny Angara, P139M; Franklin Drilon, P97M; Sherwin Gatchalian P96M; Grace Poe, P95M; Pia Cayetano, P82M; Richard Gordon, P71M; Senate President Vicente Sotto III, P70M; Manuel Lapid, P69M; Francis Tolentino, P62M.

Nancy Binay, P59M; Panfilo Lacson, P42M; Imee Marcos, P29M; Koko Pimentel, P29M; Ronald dela Rosa, P28M; Joel Villanueva, P26M; Francis Pangi­linan, P16M at Risa Hontiveros P15M.

VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with