Dec. 15 simula ng Christmas break

Nabatid mula sa DepEd Order 007 s. 2019, o ang School Calendar para sa School Year 2019-2020, inatasan nito ang mga public schools na pagbakasyunin na ang kanilang mga estudyante mula sa Disyembre 15.
Miguel de Guzman

MANILA,Philippines — Itinakda ng Department of Education ang simula ng Christmas break sa Disyembre 15, 2019 para sa mga estudyante sa Kindergarten hanggang Grade 12 students sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Nabatid mula sa DepEd Order 007 s. 2019, o ang School Calendar para sa School Year 2019-2020, inatasan nito ang mga public schools na pagbakasyunin na ang kanilang mga estudyante mula sa Disyembre 15.

Nilinaw naman ni Education Undersecretary Analyn Sevilla na ang naturang department order ay para sa lahat ng public schools lamang.

Maaari aniyang hindi sumunod dito ang mga pribadong paaralan, dahil may sariling school ca­lendar ang mga ito.

Show comments