Ayon kay outgoing National Capital Region Police Office Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ang naturang bilang ng personnel ay para lamang sa Metro Manila.
File
20K personnel idedeploy sa SEA Games
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tinatayang 20,000 personnel mula sa iba’t ibang government agencies ang ide-deploy para magbigay seguridad sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.

Ayon kay outgoing National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ang naturang bilang ng personnel ay para lamang sa Metro Manila.

Bukod sa mga pulis, magpapadala rin ng tropa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection (BFP) at Joint Task Force NCR ng militar para magbantay matapos mabatid sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na mayroong 12 sports venues sa Metro Manila, gayundin sa 24 hotels kung saan tutuloy ang mga athletes at sports officials.

Siniguro din niya kahapon na lahat ng venues ay handa na para sa SEAG na resulta na rin ng Security and Survey Inspection (SSI) na ginawa ng mga chief of police at station commander.

Siniguro rin ni Eleazar na makakapagbigay sila ng seguridad at adjustment sa mga bagong protocol hindi tulad dati na puro head of state ang kanilang binabantayan.

Dahil sa dapat nilang bantayan ngayon ay pawang mga atleta kaya kailangan na umano ng bagong protocols sa kanilang mga aktibidad at nakikipag-ugnayan na rin umano sila mga opisyal na in-charge sa sports meet’s events sa Metro Manila.

Ayon sa Phisgoc, mahigit sa 10,000 atleta mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, Timor Leste, Singapore at Vietnam ang lalahok sa may 543 sport events.

Bukod sa Metro Manila, ang sports competitions ay isasagawa rin sa Laguna, Bulacan, Tagaytay, Subic at New Clark City sports complex sa Capas, Tarlac.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with