5 sa drug watchlist, timbog
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang miyembro ng notoryus na ‘Samsodin Malawi Robbery Group’ kasama ang apat pang drug suspects sa ikinasang operasyon ng Parañaque City Police kamakalawa ng mada­ling araw.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rolando Sulde, alyas Daud, miyembro ng robbery group, 41; habang ang kanyang mga kasamahan ay sina Mark Anthony Tan, 32; Rico Dela Cerna, 28; Carlo Dela Cruz, 27 at Marivic Malong, 32.   Nabatid na pawang nakatala sa drug watchlist ang mga suspek maliban kay Dela Cerna.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ang buy bust operation dakong alas-2 ng madaling araw nitong nakaraang Huwebes sa may San Juan de Coastal sa Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Nagawang makabili ng mga pulis ng isang plastic sachet ng shabu kay Sulde dahilan para ipatupad ang pag-aresto sa kaniya.  Nakum­piska pa sa kanyang posesyon ang apat pang maliit na plastic sachet ng shabu na kaniya ring ibinibenta.

Naaktuhan naman ang apat na suspek sa gitna ng pot session sa bahay sa lugar.  Nakumpiska sa kanila ang isang nakabukas na plastic sachet na may bakas ng puting pulbos na hinihinalang shabu at mga paraphernalia.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa Parañaque City Police Detention Cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DRUG LIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with