"Babalik lang ang schedule ng free rides sa umaga oras na maibalik ang full operation ng LRT-2 system," ayon sa Light Rail Transit Authority.
The STAR/Miguel de Guzman, File photo
Libreng sakay sa LRT-2 para sa estudyante 'sa hapon na lang ibibigay'
(Philstar.com) - October 10, 2019 - 5:25pm

MANILA, Philippines — Kinakailangang magtabi ng kaukulang pamasahe ang mga estudyanteng sumasakay sa Manila Light Rail Transit System Line 2 dahil mababawasan na ang libreng sakay ng linya.

Ayon sa pahayag ng Light Rail Transit Authority Huwebes ng hapon, nagkaroon kasi ng adjustment sa revenue operation schedule ng LRT-2 system.

"[M]agagamit na lamang ang libreng sakay para sa mga estudyante mula 3:00 p.m. hanggang 4:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes," paliwanag nila sa Inggles.

Dati kasi, may libreng sakay din ang mga mag-aaral mula Santolan hanggang Recto station ng 4:30 a.m. hanggang 6 a.m.

Nagsimula raw itong ipinatupad noong ika-8 ng Oktubre ngunit inanunsyo lang ngayong ika-10 na ng Oktubre.

Ika-1 ng Hulyo nang sinabi ng Department of Transportation na magbibigay ng libreng sakay ang LRT-2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railway bilang tulong sa mga estudyanteng mananakay.

"Babalik lang ang schedule ng free rides sa umaga oras na maibalik ang full operation ng LRT-2 system," ayon sa LRTA.

Una nang sinabi ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera na aabutin ng siyam na buwan bago maibalik ang operasyon ng mga napinsalang istasyon ng LRT-2, kabilang diyan ang Santolan, Katipunan at Anonas stations.

Pero ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Cabrera na inaasahan nilang maisama nang muli sa partial operations ang Anonas.

Sa ngayon, Cubao hanggang Recto lang ang kabilang sa partial operations ng linya matapos ang nangyaring sunog noong nakaraang linggo.

Tinitignan din nila kung maaari nang ibalik sa alas-singko ng umaga ang simula ng operasyon upang mabilis makasakay ang mga pasahero.

Ipinatutupad ang libreng sakay sa MRT-3 mula 5 a.m. hanggang 6:30 a.m. ng umaga at 3 p.m. hanggang 4:30 p.m.

Libre naman ang biyahe ng mga estudyante sa PNR mula 5 a.m. hanggang 6 a.m. at 3 p.m. hanggang 4 p.m. — James Relativo

FREE RIDES LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY LRT-2 MASS RAILWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with