Sa panayam ng dzBB, sinabi ng Light Rail Transit Authority na matagal bago makabalik-operasyon ang ilang istasyon sa Marikina at Quezon City.
The STAR/Boy Santos
3 istasyon ng LRT-2 'di magagamit ng 9 na buwan kasunod ng sunog
(Philstar.com) - October 4, 2019 - 5:28pm

MANILA, Philippines — Hindi muna magagamit ng siyam na buwan ang ilang istasyon ng Manila Light Rail Transit System Line 2, pagkukumpirma ng gobyerno ngayong Biyernes.

Sa panayam ng dzBB, sinabi ng Light Rail Transit Authority na matagal bago makabalik-operasyon ang ilang istasyon sa Marikina at Quezon City.

"Ang mga station na walang operations na aabutin nga ng nine months, definitely, Santolan, Katipunan at saka Anonas," ani LRTA spokesperson Hernando Cabrera.

“Malaki ‘yung damage. ‘Yung na-damage na parts are really big parts na imported po sila… Kailangan po natin na mag-import pa.”

Inilabas ang anunsyo matapos magkaroon ng sunog sa pagitan ng Katipunan at Anonas station nitong Huwebes.

Kasalukyang nagbibigay ng libreng bus ride ang Metropolitan Manila Development Authority para sa mga naperwisyong mananakay.

Aniya, magbibigay serbisyo sila sa mga pasahero mula Santolan depot patungong Cubao station.

Inilinaw naman ng LRTA na manunundo lang ang mga bus sa mga LRT-2 stations.

Naghihintay pa naman ng mga karagdagang detalye kaugnay ng balita. — James Relativo at may mga ulat mula sa The STAR

FIRE LRT-2 LRTA METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY RAILWAYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with